Friday, September 01, 2006

MANILA HIGH SCHOOL - BUWAN NG WIKA


Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa
by Pat Villafuerte


Sa bawat panahon
Sa bawat kasaysayan
Sa bawat henerasyon
May palawakan ng isip
May palitan ng paniniwala
May tagisan ng matwid
Maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit
Sila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y nagpapangkat



Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
Wikang Pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao
Wikang naglalagos sa isipang makabansa
Wikang nanunuot sa damdaming makalupa
At paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig
Bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit
Hinihingi’y kalayaan! Katarungan! Kalayaan! Katarungan!



Hanggang saan susukatin?
Hanggang kalian bubuhayin?
Hanggang kalian maaangkin?
Layang mangausap, layang sumulat
Layang mamuhay, layang manalig
Layang humahalakhak, layang mangarap,
Layang maghimagsik
Maghimagsik! Maghimagsik! Maghimagsik!



A, parang isang pangarap, parang isang panaginip
Kasaysayan pala’y mababago isang saglit
Sa dakong silangan … doon sa silangan
Ang sikat ng araw … sumilip, sumikat, uminit
Sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid
Sama-samng gumising, magkakapit-bisig, nag-alsa’t tumindig
Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!
Laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapan-lupig



Bata’t matanda, propesyonal at di propesyonal
Manggagawa, kawani, guro, mangangalakal
Mangigisda’t magbubukid, pari, madre, iskolar
Sundalo, pulis, drayber, estudyante, istambay
A, lahat-lahat na
Sa sama-samang tinig, sa sama-samang lakas
Nagkakaisa, nagkasama
Nagkasama, nagkaisa
Mga bagon bayani ng Bagong Republika



At …
Wala nang dapihapon
Wala nang takipsilim
Wala nang lungkot, takot, luha, dusa’t hinagpis
Wala nang tanda, ng dusting pagkalupig
Bagwis ng ibong dati’y pinuyian sa tinid ng galit
Ngayo’y nakalipad na … umaawit, humuhuni, umaawit
Dahil malaya
Dahil sa wika
Dahil sa lakas



Bagong kalayaa’y naririto ngayon
At nakamit natin nang buong hinahon
Ni walaang digmaa’t pinapanginoon
May mabuting nasang taga sa panahon



At kung sakaling magbalik muli
Ang kasaysayang hininog ng isang madilim na kahapon
Muli, ang paisa-isang dila, ang parami-raming labi
Ang sama-samang tinig
Ang sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo’t magkakapatid
Sama-samang gigising, magkakapit bisig aalsa’t titindig
Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!








* * *

Please note:
I very much appreciate my articles and photos appearing on fellow bloggers' sites, popular broadsheets, and local broadcast news segments, but I would appreciate even more a request for permission first.
Thank you!



*



Labels:

posted by Señor Enrique at 7:59 PM


16 Comments:

Blogger ipanema said...

Wow, you have some powerful images here. What an interpretation!

September 01, 2006 9:58 PM  

Blogger Senor Enrique said...

I'm telling you, Ipanema. These kids were serious about their art!

September 01, 2006 10:13 PM  

Blogger Photo Cache said...

This post, like a lot of your previous posts, takes me back to a time in my life that I have put on the back burner. I could tell you that our former students (I worked in an all-girl Catholic school) excelled in interpretative dances and performances. Too bad I dont have photos to remember them by. Nyway, thanks.

September 01, 2006 10:14 PM  

Blogger Senor Enrique said...

I went back to that school early this morning, Photo Cache, and they had another program (songs and dances) by other students.

The teacher was so appreciative of my handing her a CD containing a copy of all the photos I took that Tuesday. Meanwhile, the copy of the poem she gave me, much to my surprise was neatly bound with plastic cover (to make it look nice and special).

I decided not to take anymore pictures of this morning's festivities; I thought I would leave it as a private occasion exclusively for the teachers' and students' enjoyment.

I'm glad these photos to helped bring back some of your wonderful memories :)

September 01, 2006 10:27 PM  

Anonymous kyels said...

Eric, through this post I can even feel the euphoria; the pictures! Fantastic!

Too bad I do not understand the composition. It would be great if I could. Hmm.

(:

But nevertheless, it's good to see that the kids are serious about their art! Amazing.

September 02, 2006 12:07 AM  

Blogger Senor Enrique said...

Thanks much, Kyels! Have many more pictures but could only post a few.

Maybe we'll ask Melai of Manilenya to translate this for us :)

September 02, 2006 5:57 AM  

Anonymous kyels said...

Ah, okay. Thanks!

(:

September 02, 2006 9:23 AM  

Anonymous niceheart said...

Ang galing naman. Ng mga students and also yung mga shots mo. :)

I showed the pictures to my youngest son. Sabi ko sa kanya di ba katulad nung sa Folklorama? Yes daw. :)

September 02, 2006 11:54 AM  

Blogger Senor Enrique said...

Maraming salamat, Irene!

Oo nga. Para ngang mga folklorama performers and mga batang ito. Mahuhusay talaga sil.

September 02, 2006 8:13 PM  

Anonymous aurea said...

Wish I was there to see it! The photo with the faces painted white and the black sheet is intriguing.

September 04, 2006 12:18 AM  

Blogger Senor Enrique said...

Actually, Aurea, although all the teams performed their respective interpretation exceedingly well, the make up, costume, and choreography of this white-faced group were the most enchanting.

Melai had submitted this poem to be translated to English at some online translation service. Once she sends it to me, I will post and exclusively use the photos of this group as accompanying images.

September 04, 2006 6:09 AM  

Anonymous weg said...

eow po!!!!! puwede po bang maglagay po kayo ng tula tungkol sa KALAYAAN na ginawa ni Pat Villafuerte????? plz po.... thanks!

July 31, 2007 7:10 PM  

Blogger jaja said...

wla po bang video ??

August 14, 2008 1:40 PM  

Anonymous Anonymous said...

wow! I like your presentation. even i only see it on the computer the same with the ather comment that was incredible. congratulation

July 24, 2009 5:49 PM  

Blogger nycz said...

hai poh...pwd mglagy dn qau ng video..the performance looks interesting....

July 30, 2009 7:21 PM  

Anonymous Anonymous said...

nice....I appreciate it very much because the CNAHS-Annex once performed this poem but not that intense as yours..Great job for you...this is Ranie Manligoy of Cateel, Davao Oriental.

August 12, 2011 12:05 PM  

Post a Comment

<< Home

Life in Manila as observed by a former New Yorker who with a laptop and camera has reinvented himself as a storyteller. Winner of the PHILIPPINE BLOG AWARDS: Best Photo Blog in 2007 and three Best Single Post awards in 2008.

 
 

About Me

Name: Señor Enrique
Location: Manila, Philippines

View my complete profile

Links


www.flickr.com
This is a Flickr badge showing photos in a set called Flickr Badge. Make your own badge here.
 
 
Señor Enrique Home
Designed by The Dubai Chronicles.
All rights and lefts reserved.